MARIING tinutuligsa ng Kanlungan Centre Foundation ang kahibangan ng pamahalaang Aquino na magpautang ng isang bilyong dolyar sa International Monetary Fund samantalang kinukuripot ang serbisyo para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Booth of Kanlungan Centre Foundation in Baclaran Church to promote the ILO Convention 189. (Photo by Erwin Puhawan) |
MARIING tinutuligsa ng Kanlungan Centre Foundation ang kahibangan ng pamahalaang Aquino na magpautang ng isang bilyong dolyar sa International Monetary Fund samantalang kinukuripot ang serbisyo para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Nararapat
lamang na ibuhos sa mga OFWs ang mga serbisyong katumbas ng US$1 bilyon dahil malaking
bahagi rin ng dollar reserves ng bansa ay galing sa remittances ng
milyon-milyong Pilipino na nagtatrabaho sa 190 bansa.
Malaking
tulong ang ganitong halaga upang maipagpatuloy ang pagpapatakbo ng sampung
embahada at konsulado na balak ipasara ng pamahalaang Aquino. Malaking tulong
ang pagkakaroon ng mga tanggapang ito upang kahit paano’y may matatakbuhan ang
mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.
Malaki
rin ang katumbas na halagang ito sa pagpapauwi ng mga OFWs na stranded sa
Bahrain, Kuwait, Malaysia, at Saudi Arabia, dahil wala silang pamasahe pabalik
sa Pilipinas.
Malaking
katumbas na halaga rin ang US$1 bilyon upang matugunan ang reintegration ng mga
OFWs na naging biktima ng pag-aabuso, digmaan, human trafficking, at iba pang
human rights violation.
Malaki
ring katumbas ang US$1 bilyon upang mapaunlad ang kabuhayan sa Pilipinas at
hindi mapilitang mangibang-bayan ang ating mga guro at propesyunal.
Marahil
kung matugunan ang ganitong pangangailangan, na higit na marami pa kung
tatanungin ang mga batayang sektor ng lipunan, maaari nang magpautang ang
Pilipinas sa usurerong IMF. Subali’t hindi ngayon ang panahon.
Kung
nakakaipon na ang Pilipinas, bakit hindi pa higit na palakihin ang reserve
fund?
At
bakit IMF ang magtatakda kung sino ang pauutangin ng Pilipinas at hindi?
Gagamitin lamang ng IMF ang salaping ito upang lunurin sa utang ang mga bayang
tulad ng Greece, Turkey, at Spain.
Sa
gitna ng pagtaas ng bilang ng mga kabataang nagtatrabaho, nakakasuka ang
kayabangan at pagiging arogante ng pamahalaang Aquino.
Sabagay,
ganito naman yata ang mga hasyendero: inuunang suportahan ang mga usura at
kapwa-hasyendero.
At
papatunayan muli ng kasaysayan na hindi nagtatagal ang kayabangan ng mga
hasyendero: itinutumba sila mula sa kanilang napakataas na pedestal.
Tutulan
ang pagpapautang sa IMF! Ibuhos ang salaping-yaman ng bansa sa batayang sektor!